Sunday, July 27, 2008

"I am the Ultimate Survivor"

I am a true Survivor fan.

Ever since the second season, which I saw on Studio 23 years ago, I got hooked. It was a mixture of a lot of things. Wala pa akong nakitang television show na katulad ng Survivor that time. The concept was unlike others. At tsaka maganda siyang break from the cheesy and crappy soap operas at slapstick comedy shows sa local primetime.

Anyway, I won't be discussing how I came to love the show. Survivor fanatics reading this (sana may mga nagbabasa) would understand. And para sa mga hindi Survivor junkie, for sure alam na nila kung ano ang Survivor dahil maglalabas ng sariling franchise ang GMA 7.

To those who know me well, they can attest na isa akong true-blue Survivor fanatic. hindi bale nang umabsent ako sa klase noon at may ma-miss na exam, makapanuod lang ng Survivor. Sa enrollment, hindi ako kukuha ng subjects na naka-sched ng Friday, unless sobrang maaga sya, para maabutan ko ang live feed ng Survivor sa Studio 23. Yan at iba pang mga kalokokhan ko noon para lang sa Survivor.

Nung second year college ako, I wanted to be a castaway so bad. I went online sa CBS website to check on eligibility rules.

Shet, for US citizens lang. Bummer.

Binalikan ko ang Political Science class ko noong first year ako. Naturalization ang kasagutan sa pangarap ko. You have to be at least residing in the US for 5 years before you can apply for a change in citizenship (hindi ako ganun kasigurado sa figures pero yun ang naalala ko). 5 years, medyo matagal. Kailangan ko din magipon ng pera para makapunta ng Tate. Hindi pa ako graduate ng college, ilang taon pa, so matagal-tagal pa. Naiisip ko, kung sakaling dumating ang panahon na pwede na akong maging US citizen, wala ng Survivor.

Just to give you an idea how much I like the show, picture these:

1. Sa mga swimming outings, sa tuwing lalangoy ako, iniisip ko na immunity challenge sya. Kinokontsaba ko ang mga kasama ko na sabay sabay kami tatakbo sa pool.

2. Kapag ihaw na isda o baboy ang ulam namin, nagkukusa akong magpabaga ng apoy. Bakit? Iniisip ko na nasa fire-making challenge ako. Bago magsimula, kukuha muna ako ng mga kahoy at ilalagay sa isang spot, ilalapag ang lighter sa kabilang dulo at magtatawag ng isang tao para orasan ang paggawa ko ng apoy. Pag walang ibang tao, gumagawa na lang ako ng mental scenario. Parang tanga di ba?

3. Maarte ako sa pagkain. Ayoko ng buro, sawa, kambing, aso, pusa, daga, kahit atsara ayoko. Pero nakakain na ako ng palaka pero dahil inisip ko lang na nasa immunity challenge lang ako. Kahit nasa hapag ako kasama ang mga pinsan ko, hahawakan ko muna ang isang maliit na piraso ng karne, pause sandali, sasambitin ang "Go!" saka isusubo. Syempre nakapikit ako habang ngumunguya nang may pagka OA. Pagka lunok, ilalabas ang dila.

4. Minsan hindi ako naliligo dahil iniisip ko na sa isla, walang liguan.

5. Sa mga school projects, hanggat pwede ilusot, nilalagyan ko ng Survivor elements. Second year college, SocAnthro class. Kailangan namen gumawa ng family tree. Ang ginawa ko, nag-drowing ako ng dalawang isla, Jaburu at Tambaqui. Yung mga pangalan ng mga ninuno ko nakasulat sa papel na korteng "tiki". Nilagyan ko ng mga marka ang isla na parang isang totoong mapa. Ang pambato sa project? Yung logo ng Survivor, pero pinalitan ko ng "SocAnthro" yung "Survivor." Pagkabalik sa akin nung project, may mga red circles ang prof ko at nakasulat na: 'What does this mean?"

6. Ang Thesis 1 ko ay entitled "The Role of Reality Shows in the Fight Against Social Discrimination". Yung Thesis 2 ko: "A Textual Analysis of Survivor: Amazon."

7. Eto na siguro ang ultimate proof ng pagiging Survivor fan, ang pag-audition sa first installment ng Survivor:Philippines.


No comments: